Pagbangon sa krisis at Marawi rehabilitation panalangin ng mga Muslim sa Naga ngayong Eid’l fitr

NAGA CITY- Pagbagon sa krisis na dulot ng pandemya ang panalangin ng Muslim Community sa Naga City ngayong Eid’l Fitr  o  pagtatapos ng Ramadan.

Ayon kay Mike Mustapha, pinuno ng Muslim Affairs Office sa lungsod , malaki man ang porsyento ng may trabaho at negosyo apektado pa rin ang kita dahil sa mga problemang nakakabit sa COVID-19 pandemic.

Panalangin pa nila ang makabalik na sa normal ang lahat.

Tulad noong 2020, wala ring pagtitipon sa Mosque bilang pagsunod sa health protocols, sa kanya-kanyang bahay na lamang mananalangin.

Samantala, maraming mga Muslim sa Naga na mga dating taga Marawi. Ang iba ay nakapagparehistro na habang ang iba ay kunsideradong bakwit at umaasang makakabalik pa sa kanilang dating lungsod.

Kaya naman kabilang sa panalangin ng mga kasama sa pananampalataya ni Mustapha na mapadali na ang rehabilitasyon ng Marawi.  2017 nang mangyari ang giyera na tumagal ng limang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *