Pagbawi ng Pilipinas sa mga teritoryo sa WPS, mauuwi lang sa giyera – PRRD

Binasag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katahimikan nito kaugnay sa nagaganap na tensyon sa West Philippine Sea.

Sa kanyang televised Cabinet meeting kagabi ay sinabi niya na kahit magpabalik-balik ang Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo ay walang mangyayari dahil hindi naman natin hawak ang karagatan.

Ayon sa Punong Ehekutibo, sa isip ng China ay pag-aari nila ang mga inookupahan nilang mga teritoryo.

Binigyang diin naman ng Pangulo na magiging madugo lang kung susubukan ng Pilipinas na i-claim ang mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Naniniwala ang Commander-in-Chief na giyera lang ang paraan para mabawi ng Pilipinas ang mga teritoryo na inangkin ng China.

Matatandaan na tumindi ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas matapos pumarada ang daan-daang mga Chinese militia vessels sa may bahagi ng Julian Felipe Reef.

Mababatid na nakapaghain na ang Pilipinas ng serye ng diplomatic protest kaugnay sa naturang insidente. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *