Pagbibigay atensyon ng Pamahalaan sa Camarines Sur, pinasalamatan sa Baranggayanihan Caravan Towards National Recovery

NAGA CITY- Pinuri at pinasalamatan ang National Government sa pagbibigay atensyon sa Camarines Sur nitong nakalipas na limang taon.

Binanggit ni Camarines Sur 2nd District Representative LRay Villafuerte sa Baranggayanihan Caravan towards National Recovery ang laging pagbisita ni Pangulong Duterte sa lalawigan, kinukumusta rin ang mga ahensya. Dumarating matapos ang kalamidad, sumasama rin ang pangulo sa pagbaba ng mga ayuda.

Bukod riyan pinasalamatan rin ang mga ahensya ng pamahalaan upang matupad ang maraming proyekto sa kalsada tulad ng Camarines Sur Express Way, Coastal Highway at iba pang nasa ilalim ng Build-Build-Build Program. Pinuri rin sa Peace and Order at Anti-Drug Campaign.

Sa mensahe pa ni Villafuerte sa Provincial Capitol na naging venue ng okasyon, sinabing batid niyang maraming mga hindi gusto ang pamamalakad ng pangulo , marami ang kontra ngunit importante aniya na mabatid ng publiko kung ano ang mga nagawa ng administrasyon sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *