Pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo sa Roxas, pinamamadali na

Nagmamakaawa na sa lokal na pamahalaan  at Department Of Social Welfare And Development Office ang mga residente ng Bgy. 4 sa Roxas Palawan.

Ayon kay Mrs. Rowena Gilongos na isa sa mga nag-rally kahapon sa harap ng DSWD, matindi na ang hirap na pinagdadaanan ngayon ng mga pamilyang sinalanta ng bagyo.

Sinabi nito na aabot sa 1, 600 ang pamilya ang hindi pa nakatanggap ng tig-5  libong piso.

Masama rin ang loob nito dahil wala man lang pumunta sa kanilang mga tinitirhan na opisyal para alamin ang kanilang sitwasyon.

Samantala, ayon sa LGU ay nakaraan pa rin sila humiling sa DSWD national na sana’y madagdagan ang ayudang ibibigay at kung dumating ito ay agad na maipapamahagi.

Nitong Lunes, ay inanunsyo ng DSWD 4B na may inilaang 2.6 milyong piso na galing sa Department of Budget and Management kung saan lokal na pamahalaan na ang mamamahagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.