Pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo, kinuwestiyon ng isang konsehal

Kinuwestiyon ni City Councillor Peter “Jimbo” Maristela ang pamamaraan nang pagbibigay ng financial assistance para sa mga naakpektuhan ng bagyong Odette sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Aniya, bakit P3, 000.00 lamang ang naibigay sa mga naapektuhan ng bagyo, gayung ang inaprobahan sa kanilang Special Session ay P5, 000.00 sa may-ari ng partially damaged na bahay habang P10, 000.00 sa mga totally damaged.

Binigyang diin ng konsehal, bakit umano naging basehan sa pagbibigay ng financial assistance ay ang listahan ng “Ugnayan sa Barangay”, dahil ang listahan na ito ay para lamang sa Rural Barangays at hindi kasama ang mga Barangay sa Poblacion na naapektuhan din ng bagyo.

Kinumpara rin ng lokal na mambabatas ang pagkakaiba ng proseso sa pagbibigay nito sa mga Rural Barangay na kung saan ay per family habang sa poblacion ay per household ang pagbibigay.

Samantala, ipapatawag naman sa Committee of the Whole ang CSWD, CDRRMO, representante mula sa Office of the Mayor at iba pang tanggapan upang magpaliwanag sa usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.