Pagbibigay ng pera at regalo ngayong pasko hindi obligasyon ng ninong at ninang, maging gabay at mabuting halimbawa sa inaanak higit na mainam ayon sa simbahan

CAMARINES NORTE- Ipinaalala ng simbahan ang tunay na papel na ginagampanan ng mga ninong at ninang sa buhay ng kanilang mga inaanak.

Sa panayam ng Brigada News ipinaliwanag ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na hindi lamang nagtatapos sa pagbibigay ng regalo at pera sa inaanak ang obligasyon ng ninong at ninang.

Sa katunayan ay higit pa umano sa pagbibigay ng regalo at pera ang papel ng ninong at ninang taliwas sa nakagawian ng marami.

Ayon kay Alarcon  ang minimum obligation talaga ng ninong o ninang ay maging spiritual father o mother at makilala ng bata.

 “The Godfather is like a spiritual father, spiritual father or mother, so maaari nating sabihin na ang pinaka minimum obligation is makilala ka, number two, ipagdasal mo yan, yung bata,” ani Alarcon.

Gayunman, nilinaw ng Obispo na wala namang masama na magbigay ng regalo at pera sa inaanak.

Kung tutuusin daw kasi ay isa ang pagbibigay ng regalo sa nagpapaging spesyal sa pasko.

“Hindi masamang magbigay ng regalo, in fact that is what makes also Christmas special kasi nakakaisip yung mga tao  na magbigay ng regalo which we do not normally do in normal times di ba.”

Pero kung walang wala daw talaga si ninong o si ninang ay hindi naman nito obligasyon ang magbigay ng pamasko.

Ang mahalaga aniya ay handa itong maging gabay at maging katuwang ng magulang sa paghubog sa bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *