Pagbibigay subsidiya sa mga magsasaka sa Albay, aprubado na ng SP

LEGAZPI CITY – Apubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang resolusyon na nagbibigay ng karapatan sa gobernador ng lalawigan na pumasok sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at National Food Authority (NFA) Bicol patungkol sa Palay Marketing Assistance Program sa lugar.

Layunin ng nasabing resolusyon na matulungan ang bawat magsasaka sa kanilang inaaning palay sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya maging ng pambili ng mga pataba, pesticides at iba pang pinakakinakailangan sa pagtatanim ng mga palay.

Ayon kay Committee on Agriculture and Fisheries Chairman, Board Member, Gerardo M. Palmiano, malaking tulong ang nasabing cash assistance para sa mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga tanim na bigas.

Nakasaad din sa kasunduan na dapat maging available ang bigas sa bawat local government units (LGUs) upang maging buffer stock at may makukuhaan sa oras ng mga kalamidad.

Nakapalaman din sa memorandum na ang pagdagdag ng PHP 3 sa PHP 19 na presyo ng NFA rice, subalit maaari pa itong magbago depende sa pasiya ng gobernador.

Plano ng pamahalaan na kunin ang nasa PHP 3M sa PHP 5M pondong inilaan ng tanggapan ng gobernador sa naturang programa.

Samantala, sa oras na maaprubahan na ng gobernador ang naturang programa, sisimulan na rin nito ang pagbibigay ng Implementing Rules and Regulation (IRR) sa NFA at sa PGA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *