Pagbibigay-suporta at pagpapalakas sa mga kapulisan, isa sa mga paraan upang gumaan ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda laban sa mga terorista

Binigyan-diin ng Ako Bicol Partylist (AKB) na kailangan suportahan at palakasin ang mga kapulisan upang gumaan ang buhay ng mga mangingisda sa lalawigan ng Albay.

Ito ang inihayag ni AKB Representative Elizaldy Co sa isinagawang Ground Breaking Ceremony ng Multi-Purpose Grandstand at Mess Hall Building sa Albay Police Provincial Office.

Ayon kay Co, isa sa mga paraan para matulungan ang mga magingisda at magsasaka laban sa mga terorismo sa lalawigan ay kailangan palakasin at ibigay ang suporta sa pangangailangan ng mga kapulisan.

Aniya, kailangan mabawasan o matuldukan na umano ang mga ginagawa ng terorista sa panggigipit sa mga mahihirap na mga Albayano.

Sinabi pa ng kongresista na isa sa mga pangako ng Provincial Director Fernando Cunanan, Jr. na paiigtingin nila ang pagbabantay ng seguridad sa bawat munisipyo at lungsod laban sa pang-abubuso o krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *