Pagbibitiw ng PIA Director-General, tinanggap na ni PCO Sec. Garafil

Kinumpirma ni Philippine Information Agency Director General Mon Cualoping na tinanggap na ni Philippine Communications Office chief Secretary Cheloy Garafil ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Ayon kay Cualoping April 04, 2023 pa niya isinumite sa PCO ang kanyang resignation letter.

Sa facebook post ng opisyal sinabi nitong ginawa niya ang pagbibitiw upang mabigyan ng kalayaan si Garafil na makapag-appoint ng sa tingin nito ay karapat-dapat mamuno sa PIA.

Siniguro naman ni Cualoping na makikipagtulungan siya para magkaroon ng ‘smooth transition’ na hahalili sa kanya sa posisyon.

Mababatid na si Cualoping ay nagsilbing Assistant Secretary sa Presidential Communications Office (PCO) mula 2016 hanggang 2020 at nagsilbi namang Undersecretary at Director General ng PIA mula 2020 hangang sa resignation nito ngayong taon.

Samantala, inanunsyo naman ngayong umaga ng PCO ang bagong Director-General ng PIA na ang journalist na si Jose Torres Jr.//LB edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *