Pagbigkas at pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa flag-raising ceremony sa Kamara, wala umanong nag-utos

Hindi sapilitan ang pag-awit at pagbigkas ng “Bagong Pilipinas Hymn” at “Bagong Pilipinas Pledge” sa regular flag-raising ceremony ng House of Representatives.

Ito ang nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco matapos ipatupad sa unang pagkakataon ang awit at panata sa Bagong Pilipinas sa monthly flag-raising ceremony sa Batasan Pambansa.

Sa panayam kay Velasco, sinabi nitong walang nag-utos sa Kamara na isama sa seremonya ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge.

Ang direktiba ay nanggaling aniya sa liderato ng Kamara bilang pagpapakita na kabahagi sila sa parehong “values”, “objectives” at “goals” ng administrasyon.

Batay sa inilabas na memorandum ng Office of the Secretary General, binigyang-diin na ang Bagong Pilipinas ay naglalarawan sa gobyernong may prinsipyo at pananagutan at maaasahan.

Layunin umano nito na gawing aktibo ang mga Pilipino sa pagsuporta at paglahok sa komprehensibong inisyatiba ng pamahalaan na nagtataguyod sa social at economic transformation sa lahat ng sektor ng lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *