Pagbili ng Covid-19 vaccine ng Koronadal, pinoproseso na

KORONADAL CITY — KINUMPERMA ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena na may sagot na sa sulat nito ang isang pharmaceutical company na posibleng bilhan ng Covid-19 vaccines ng lungsod.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal sa alkalde, kinumperma nitong may term agreement na ang lungsod sa hindi nito pinangalanang pharma company ngunit wala pa umanong supply agreement dahil hanggang sa ngayon, kulang pa rin ang supply ng bakuna.

Sinabi ni Ogena na handa ang P8 million na pondo na inilaan ng lungsod para sa pagbili ng bakuna laban sa Covid-19 at supply na lamang ang hinihintay.

Sumulat din umano ito sa Department of Health para sa dagdag na allocation ng Covid-19 vaccine kung wala pang sagot ang mga ito hanggang sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *