Pagbili ng gamot na Remdesivir para sa severe cases ng COVID-19 , hiniling sa Naga; vaccine jabs administered umabot na sa 85, 012

NAGA CITY- 50 vials ng Remdesivir o ang ginagamit na gamot sa may malalang kaso ng COVID-19 ang inisyal na request ng Treatment Facility Manager.

Ito ang ibinahagi sa konseho ni Incident Commander Renne Gumba, aniya inindorso na ito ng Health Emergency Response Task Force, bilang parte ng hakbang upang mapabilis ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 at maiwasan ang pagkasawi.

Mababatid na ang Remdesivir ay nagagamit sa bansa nang magkaroon ng Compassionate Special Permit sa Food and Drug Administration. Mabilis umanong maka recover ang mga tinamaan ng sakit.

Samantala, umabot na sa 85, 012 ang vaccine jabs administered.

53.81% sa 1st dose habang 46.19% ito ang sa full vax mula sa A1 hanggang A5. Target na maabot ang herd immunity sa lalong madaling panahon kung marami ang supply ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *