Pagbili ng walang label o pekeng feeds, ibinabala ng DA-CAR

Nagbabala ang Department of Agriculture Cordillera Administrative Region sa publiko hinggil sa pagbili ng adulterated o unlabeled feeds sa mga pamilihan.

Ayon kay Jovelyn Valenciano ng DA CAR Regional Agriculture and Fisheries Information, mayroon umanong kumakalat sa mga pamilihan na mga feeds na walang label kung saan maaari itong makasama sa mga alagang baboy o poultry animals.

Aniya, ang mga naturang feeds ay mayroong pathogens at sa ilalim ng RA 1556 o Livestock and Poultry Feeds Act ay ipinagbabawal ang pagbenta at pagbili ng naturang feeds.

Dahil dito ay hinikayat ni Agricultural Program Coordinating Officer Lito Mocati ang publiko na bumili lamang ng feeds sa mga sertipikado at mapagkakatiwalaang sellers.

Isa sa mga tinitignan upang hindi makabili ng pekeng feeds ay kinakailangang may up-to-date license to operate ang seller at laging suriin ang expiration date ng produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *