Pagbisita ni Prime Minister Suga ng Japan, naantala dahil sa COVID-19 pandemic

Suportado ng MalacaƱang ang desisyon ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na ipagpaliban ang pagbisita nito sa Pilipinas ngayong taon dahil sa resurgence ng COVID-19 cases sa Japan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pahayag na nauunawaan ng Office of the President ang desisyon ng prime minister na huwag munang bumisita sa Pilipinas.

Anya, parehong mataas na agenda para sa Pilipinas at Japan ang pagtalo sa COVID-19 pandemic at nanatili ito bilang key point of cooperation ng dalawang bansa.

Iginiit ng Palasyo na ang desisyon ng prime minister na ipagpaliban ang lakad nito sa Pilipinas ay nakabase sa ground, na dahilan kung bakit nararapat lang na suportahan nila ito.

Tiniyak naman ni Roque sa publiko na magpapatuloy ang strategic partnership at broad cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan habang parehong tinutugunan ng dalawang bansa ang COVID-19 pandemic sa indibidwal o magkahiwalay na paraan.

Mababatid na dapat ay bibisita si Prime Minister Suga sa Pilipinas ngayong taon para markahan ang ika-65 anibersaryo ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan, na isang relasyon na nagsimula sa panahon na nagbayad ang Japan ng danyos sa mga Pilipino ng biktima ng Japanese colonizers noong World War 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *