Pagbubukas ng ALS ngayong pandemic di makakaapekto sa formal system ng Edukasyon-DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Mas nanaisin at pipiliin pa rin umano ng mga magulang na mag-aral ang kanilang anak sa formal system kaysa Alternative Learning System (ALS) dahil sa tutulungan naman ito ng magulang sa pag-aaral.

Ito ang inihayag ni Gilbert Sadsad ang Regional Director ng Department of Education (DEPED) Bicol sa pressbriefing kahapon matapos tanungin ng Brigada News Fm Legazpi patungkol sa pagkabahala ng mga magulang na maaaring huminto ang kanilang anak na nag-aaral sa pamamagitan ng modular o distant learning.

Ayon kay Sadsad, hinding hindi mangyayari na lumipat o magdrop out na lang ang kanilang anak na nag-aaral sa formal system dahil lamang sa nahihirapan sa pag-aaral.

Aniya, walang magulang rin ang naghahangad na huminto ang kanilang anak dahil sa pandemic o Covid-19.

Tanging ang maaring dahilan lamang ng paghinto ng mga mag-aaral ay dahil sa may mga problema sa formal system, nakaranas ng takot sa mga guro o nagnanais rin na makapagtrabaho.

Dahil dito kailangan parehas na pagandahin ang mga programa sa formal system at ALs upang maiwasan na magkaroon ng paglilipatan ng mga mag-aaral patungo sa Alternative Learning System.

Sinabi ng opisyal, sakali man na magkaroon ng problema umano sa formal system ay agad naman nitong reresolbahin at bibigyan ng pansin ng Deped upang hindi na humantong sa paghinto sa pag-aaral ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *