Pagbubukas ng maraming programs sa kolehiyo para sa limited face-to-face ngayong school year 2021-2022 posible umanong payagan ng CHED Central Office

LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan na rin ng Commission on Higher Education (CHED) Central Office ang pagbubukas ng maraming programs ngayon School Year 2021-2022.


Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Freddie Bernal, ang Regional Director ng CHED Bicol, posibleng payagan na umano ng central office na buksan ng marami pang programs ngayon school year.


Aniya, hindi pa sa ngayon masabi kung anong kurso ang maaari umanong pahintulutan ng ahensya sa limited face to face learning sa tertiary college.


Tinitingnan rin nila kung anung mga kurso na mayroong laboratoryo na kakailanganin sa face to face learning.
Kailangan din umano na pag-aralan ng Ched ang pagbubukas ng programs para di maging sanhi sa mga universities na magkaroon ng transmission dahil sa Covid 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *