Pagbubukas ng mga private schools ngayong school year, naging maayos umano ayon sa COCOPEA

Ibinahagi ni Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) spokesperson, & legal counsel Atty. Kristine Carmina Manaog, na naging maayos naman ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan.

Ayon kay Manaog, may ilang mga paaralan na nauna nang magsimula ng kanilang mga klase, habang ang ibang private schools ay inaasahang magsisimula na sa mga susunod na linggo.

Pagdating naman sa sistema ng pagtuturo, sinabi ng opisyal na may ibang mga paaralan na nagpapatupad ng blended learning kung saan magkahalong face-to-face at online classes ang ginagawa ng mg estudyante.

Sapat din aniya ang mga classrooms at mga pasilidad para sa mga mag-aaral.

Sa huli, target pang mapadami ng COCOPEA ang bilang ng mga estudyante para mas tumaas ba ang kanilang student enrollment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *