Pagbubuwis sa POGO, nakikitang makakalikom na P28.7B ngayon taon

Aabot sa P28.7-billion ang nakikitang makokolekta ngayon taon mula sa Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa oras na maipasa ang panukala na magtatatag sa tax regime para sa naturang industriya.

Sa interpelasyon ng Senado sa Senate Bill No. 2232, sinabi ni Senator Pia Cayetano na pagdating ng 2022, magiging P32 billion ang magiging kita ng gobyerno mula sa buwis ng POGO.

Ang panukala na senertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay naglalayung amyendahan ang National Internal Revenue Code (NIRC) para linawin ang tax liabilities sa operasyon ng offshore gaming.

Una nang sinabi ng senadora na sa gitna na dumadami ang naturang industriya sa Pilipinas, at nakakalikom ng karagdagang kita para sa pamahalaan, ang paglipana nito sa mga nakataang taon ay nagpapakita na ang tax collections ay maaring mas mataas.

Tinukoy pa nito ang datos mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kung saan lumalabas na ang Pogo collections ay umaabot sa P7.18 billion noong 2020, na 11.71 percent na mataas kumpara sa P6.42 billion na nakolekta mula sa kaparehong industriya noong 2019. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *