Sinimulan na angpagbuo ng tatlong-taong Transformation Program Planning para tuldukan ang insurgency sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay Paul Escober, Area Management Head sa South Luzon ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o O PAPRU, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programa ng pamahalaan upang tuldukan ang insurgency sa mga lalawigan sa pamamagitan ng localized peace dialogue sa mga miyembro ng CTG.
Mas papalakasin rin aniya ng nasabing programa ang pagbibigay tulong sa mga komunidad tulad ng livelihood program at iba pang mga pangangailangan sa mga barangay sa pamamagitan ng peace engagement programs.
Ayon pa kay Escober, sa lalawigan ng Sorsogon ang mga Bayan ng Bulan, Magallanes at Juban ang kanilang area of concern ngayon dahil sa presenya ng mga makakaliwang grupo.
Sa tala naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), mayroong 355 na mga FR o Formerl / Friends Rescued na sumasailalim sa ibat-ibang serbisyo at programa ng Gobyerno upang bumalik sa normal ang kanilang mga pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
