Pagbuo ng Anti-Obstruction of Powerlines Task Force, ipinanukala sa Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon

Plano ng ilang konsehal sa lungsod ng Sorsogon na lumikha ng grupong tututok sa pag-aayos ng mga linya ng kuryente na tatawaging Anti- Obstruction of Powerlines Task Force.

Sa panayam ng Brigada News kay City Councilor Atty. Glenn Olbes, may akda ng panukala, sinabi nito na layunin ng kanyang panukala na matuldukan na ang madalas na mga power service interruptions sa lungsod.  

Aniya, malaki na ang perwisyo sa bawat mamamayan ng nasabing outage.

Bukod kasi sa nagiging sanhi ito ng pagkasira ng maraming appliances, ay abala rin sa trabaho ng marami lalo sa mga negosyante.

Kahit kasi konting ulan o hangin ay biglaang nawawalan ng kuryente dahil sa mga obstructions gaya ng mga punong kahoy at iba pang istruktura na naka-aapekto sa linya ng kuryente.

Sa ilalim ng kanyang panukala, magkakaroon ng kapangyarihan ang Task Force na pasukin ang property ng kahit na sinong household owner upang magsagawa ng inspeksyon sa kanilang linya ng kuryente at panagutin ang sinumang may pagkukulang o nasa likod ng mga powerline obstructions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *