Pagbuo ng BESU sa mga barangay, isinusulong ng IPHO

KORONADAL CITY- ISINUSULONG ng Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato ang pagbuo ng Barangay Epidemiology and Surveillance Unit o BESU sa 199 barangays sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido na mahalaga ang partisipasyon at kooperasyon ng mga mamamayan sa barangay sa pagrereport sa mga hindi pangkaraniwang pagkakasakit ng mga tao sa kanilang lugar o unusual health event upang ito ay agad na maaksyunan at masugpo at maiwasan ang outbreak.

Hiniling din ni Aturdido ang tulong ng Sangguniang Panlalawigan upang magawan ng ordinansa at ma-institutionalize ang pagkakaroon ng BESU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *