Pagbuo ng Technical Working Group para sa TVET, sinimula na ng TESDA

Unti-unti nang sinisimulan ng TESDA ang kanilang mga hakbang para sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) para i-increase ang employability ng mga Senior High School graduates.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay TEDSA Deputy Directpr General Rossana Urdaneta, sinabi nitong hindi nila minamadali ang proseso at bumubuo muna sila ng Technical Working Group na nakatuon sa naturang hakbang.

Bilin umano ng Pangulo huwag madaliin upang hindi magkaroon ng implikasyon ang TVET sa mga mag-aaral.

Kailangan aniyang planuhing mabuti ng mga ahensya involved ang pagpapatupad nito.

Sa huli, sinabi ni Urdaneta na ibang-iba na ang mundo, kaya kailangang may multi-skills ang mga learners sa bansa.

Ang TVET ay collaborative effort ng TEDSA, DepEd at DOLE para mas maging handa ang mag-aaral sa trabaho matapos kumuha ng Senior High School.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *