Pagbuo sa special task force sa paghahanap kay Jovelyn Galleno, inirekomenda

Inirerekomenda ni City Councilor at dating City Police Director Jimmy Lagan Carbonnel na makatutulong kung bubuo ng Special task Force sa paghahanap kay Ms. Jovelyn Galleno.

Ayon sa konsehal sa social media account nito, dapat ikonsidera hindi lamang ang hurisdiksyon sa lungsod sa paghahanap sa dalaga kundi maging ang exit points kung saan maaari itong ilabas papunta sa ibang bansa.

Dapat rin aniyang tingnan ang anggulo na maaaring may kasama sa paglabas sa pinagtatrabuan si Jovelyn kaya mahalaga din umano ang kooperasyon ng Robinson’s Place sa pamamagitan ng pagbibigay ng CCTV footage sa pulisya.

Umapela rin ang lokal na mambabatas sa mga drayber ng tricycle drivers, multicab drivers, pampasaherong jeepney kung saan posibleng nasakyan ni Juvelyn sa tuwing ito ay umuuwi.

Samantala, hiniling din ni Carbonell na ipagdasal ang kaligtasan ni Juvelyn at suportahan ang pulisya na iresolba ang pagkawala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.