Pagdami ng kaso ng COVID 19 sa Bicol Region, hindi pa masabi kung ito ay may kinalaman sa holiday season noong nagdaang Disyembre

LEGAZPI CITY – Hindi masabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol na ang pagdami ng mga nagpopositibo sa sakit na Corona Virus Disease (COVID) sa Bicol ay may kinalaman ito sa Holiday Season nitong nagdaang buwan ng Disyembre 2021.

Ito ang inihayag ni Regional Director Atty Anthony Nuyda ng nasabing tanggapan sa Brigada Newwsd FM Legazpi.

Ayon kay Nuyda, wala naman sinasabi ang Department of Health (DOH) Bicol na ang pagtaas ng covid 19 sa mga lalawigan ay may kaugnayan sa holiday season.

Aniya, tanging sinasabi ng nabanggit na ahensya ay pagluwag sa mga restrictions kung saan marami ang nais lumabas ng tahanan.

Nanindigan ang DILG na wala rin kinalaman sa Omicron variant ang pagdami ng covid 19 sa nasabing rehiyon.

Kung mapapansin umano halos punuan ang tao sa mga Malls at marami ang namasyal na tao nitong nakaraan buwan at maging ang hindi bakunado ay lumabas rin ng tahanan.

Sinabi ng opisyal, bibigyan muna ng dalawang linggong obserbasyon bago sabihin na may kinalaman ito sa holiday season, local transmission o mayroong omicron variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *