Pagdedeklara ng mandatory evacuation sa Albay, maaari umanong localized dahil sa bagyong Paeng – APSEMO

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na hindi na lahat ng mga bayan at lunsod sa Albay ang ililikas dulot ng bagyong Paeng.

Sa pahayag ni Dr. Cedric Daep, ang head ng APSEMO, sa Brigada News Fm Legazpi, sinabi nitong maaaring localized na lamang ang pagdedeklara ng mandatory evacuation sa mga residenteng apektado ng nasabing bagyo.

Maaari umanong maapektuhan ang mga residenteng nasa low-lying areas at flashflood areas dahil maraming ibubuhos na ulan sa lalawigan.

Dagdag pa nito, tinitingnan pa rin ng pamahalaang panlalawigan na maaari pa ring magdeklara sa buong Albay ng mandatory evacuation kung mayroon silang makitang threshold o behavior ng typhoon.

Sinabi ng opisyal, maaaring makaranas umano ng hagupit ni bagyong Paeng ang nasa 1st district sa Albay dahil sila ang pinakamalapit sa bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *