Pagdedeklara ng State of Calamity dahil sa El Niño phenomenon, binigyang-diin ng APSEMO

LEGAZPI CITY – Kasabay sa pagtaas ng PAGASA ng El Niño Alert sa bansa dahil sa tumitinding init ng panahon, binigyang-diin naman ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na ang pagdedeklara ng state of calamity sa lalawigan ay kinakailangan ng mas mabusisi pang pagsasaayons ng ilang mga dokumento, mga report at validation mula sa iba’t ibang sektor.

Ayon naman sa weather bureau, kung pagbabatayan umano ang mga latest model forecasts, lumalabas na mayroon nang 80% na posibilidad na iiral ang El Niño na may mas matinding init pang dala.

Pagbabatayan pa umano ng magiging desisyon ang mga validated reports na nagkaroon ng halos 30% na epekto ang El Niño sa livestock farmers, water supply, power supply, transportation at agrikultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *