Hiniling ng Department of Agriculture (DA) sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang ahensya laban sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano, dapat magdeklara ng state of calamity ang mga LGUs upang magamit ang calamity fund kontra ASF.
Paliwanag naman ni Bureau of Animal Industry(BAI) deputy director Dr. Arlyn Asteria Vytiaco, sa ilalim ng guidelines ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay maaaring magdeklara ng state of calamity ang mga lalawigan kung aabot sa 2 hanggang 3 munisipalidad na ang apektado ng nasabing virus.
Sa ngayon, umabot na sa siyam na munisipalidad ang apektado ng ASF sa Nueva Vizcaya.