Naniniwala si Senadora Pia Cayetano na malaki ang maitutulong ng pagdi-digitalize ng mga textbooks upang mapabilis ang pag-produce nito para sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito, iminungkahi niya kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary, Sara Duterte ang pagko-convert ng mga textbooks ng kinder hanggang grade 12 sa digital form.
Ayon kay Cayetano, sa pamamagitan nito ay mas makatitipid sa paggamit ng papel, mas mabilis na maitatama ang mga “errors” at higit sa lahat ay mas magiging accessible ito.
Samantala, giniit naman ng DepEd na pinag-aaralan na nila ang maari nilang gawin sa copyright at bayad sa nag-akda ng libro upang maisagawa ito.