Pagdiriwang ng Pasko sa Camarines Sur, Generally Peaceful pero 2 bata sugatan dahil sa paputok

NAGA CITY- Generally Peaceful ang pagdiriwang ng Pasko sa Camarines Sur.

Ito ang pagtataya ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO). Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng CSPPO, sinabi nito na wala namang naitalang insidente na makakaapekto sa kapayapaan at kasiyaan nitong Dec. 24 at Dec. 25, 2022.

Pero may ilang pamilya na nagluksa dahil sa aksidente sa kalsada na mayroong nasawi sa Baao at Goa. Sa pangkahalatan mas kaunti ito kumpara noon ayon sa PNP.

Sa Tinambac naman, 10-anyos na batang lalaki ang sugatan sa kanang mata dahil sa Boga noong Dec. 21 pa. Sa mismong araw naman ng Pasko, Dec. 25 nasugatan sa kamay ang 7-anyos na batang lalaki sa Pamplona dahil sa Kwitis base sa record ng Department of Health (DOH)-Bicol.

Mababatid na 3 bata na ang unang naputukan ng Kwitis sa Iriga City noong Dec. 20 parehong taon.

Nanatiling nakaalerto ang pulisya katuwang ang bawat LGUs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *