Pagdiriwang ng “Pinangat Festival” sa Camalig, Albay kinansela dahil sa Covid-19 surge

LEGAZPI-Binawi ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay ang una na nitong naging anunsyo para sa nakatakdang selebrasyon ng taunang “Pinangat festival”.

Bagamat sa unang meeting, plano sana itong gawin sa Hunyo o sa susunod na buwan, bigla itong kinansela.

Ayon sa latest advisory ng LGU, ang Pinangat Festival 2022 na sana’y isasagawa sa June 15-24 ang kinansela dahil sa muling pagsirit ng (COVID-19) sa mga katabing lugar.

Ang nasabi umanong desisyon ang masusing pinag aralan at dumaan sa deliberasyon ng Municipal Tourism & Cultural Heritage Office (MTCHO), Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO), at iba pang partner offices/agencies.

Maaga pa lamang umano, pinaghahandaan nan g LGU ang posibleng transmission ng nakakahawang sakit sa kanilang bayan kung itutuloy ang aktibidad.

Samantalang, kung umayos na ang sitwasyon sa susunod na taon, maaaring matuloy na ito.

Sa ngayon kasi, ilang mga Church-related/religious activities ang papayagan subalit kailangan maobserbahan pa rin ang minimum public health standards.

Leave a Reply

Your email address will not be published.