Tinalakay ang isang resolusyon tungkol sa paggamit ng Health Information System o HIS sa lalawigan ng Bataan.
Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang pulong ng Pilot Universal Health Care Technical Working Group at Provincial Health Office nakaraang Huwebes.
Gagamitin ang HIS sa implementasyon ng UHC sa mga pilot areas kung saan ay pag-iisahin ang mga datos ng RBIM, CBMS, at HIS.
Kaugnay nito ay pinag-usapan na rin ang muling pagdaraos ng Bataan Health Summit para sa first quarter ng taong ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Joet Garcia
