Paggamit ng Oval Track Olongapo binuksan na muli sa publiko

Maaari na muling gamitin ng publiko ang Oval Track sa Olongapo.

Kahapon sa Mayor’s Report ni Mayor Rolen Paulino Jr., sinabi nitong bukas na muli ang East Tapinac Oval Track dahil tapos ang isinasaayos dito.

Matatandaan na pansamantala itong isinara nakalipas na mga linggo dahil may mga bahagi na kinailangang ayusin.

Ayon sa lokal na pamahalaan sa ngayon ay pinapayagan na ang pagtakbo sa track area para hindi na kinakailangan pang lumayo ng mga mamamayan.

Payo naman sa mga joggers at iba pa na siguraduhin na iingatan at pananatilihing malinis ang lugar.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *