Paggamit ng pekeng Vaccination Card pauwi ng probinsya posible-DILG Bicol

LEGAZPI CITY – Naniniwala umano ang Local Government Unit (LGU) sa Bicol na maaaring makalusot pa rin sa kanilang lalawigan kahit gumamit pa ito ng vaccination card.

Ito ang inihayag ni Atty Arnaldo Escober Jr, ang Assistant Regional Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol sa Brigada News FM Legazpi matapos magkaroon ng pagpupulong ang Bicol Inter Agency Task Force (BIATF) sa mga Local Chief Executives.

Ayon kay Escober, posible pekein o gumamit ng pekeng dokumento na vaccination card ang mga nagnanais makauwi sa kani-kanilang lalawigan na hindi na kailangan pang magpabakuna.

Aniya, madaling pekein rin umano ito dahil sa nagawa na rin sa pamamagitan ng pagpapakita ng pekeng dokumento ng RT PCR Test result sa boundary control point kung saan may mga nakakalusot rito.

Dahil dito idinulog ng local chief executives ang hinain o reklamo patungkol sa nasabing card sa National Inter Agency Task Force (IATF) kung saan ito rin ang naging concern ng bawat LGU sa bansa sa pagbibigay ng vaccination card.

Sinabi ng opisyal, nasa discretion na ngayon ng LGU kung oobligahin pa rin ng RT PCR test result o vaccination card na lamang upang makapasok sa kanilang lugar ang mga magsisipag-uwian o magbabakasyon lamang.

May mga LGU’s na rin umano ang pumapayag na vaccination card na lang magiging requirements sa mga uuwi sa kanilang Probinsya.

Sa ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay mayroong pinaplano umano na magkaroon ng unified vaccination card data sa bansa upang maiwasan ang pamemeke ng mga dokomento tulad ng vaccination card.

Ang Vaccination Card na ibibigay ng gobyerno ay nagpapatunay lamang na bakunado kontra sa covid 19 at ito rin ang gagamitin umano sa pagtravel patungo sa ibang lugar o establishment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *