Paggamit ng StaySafe app isa sa mga titingnan ng DILG sa pagbibigay ng Safety Seal sa mga opisina ng gobyerno

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi pa sa ngayon obligatory ang pagamit ng digital contact tracing system sa mga Lokal na Pamahalaan partikular dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pero ayon kay DILG Provincial Director Ray Caceres isa ang pagamit ng StaySafe.Ph contact tracing app sa mga hahanapin sa pagbibigay ng Safety Seal sa mga government establishment kaya’t  patuloy umano ang panghihikayat ng ahensiya sa mga LGU na simulan nang ipatupad ito.

Sa ngayon ay tatlong bayan pa lamang sa lalawigan ng Camarines Norte ang nagpapatupad nito at nagpapatuloy pa rin ang orientation sa mga Lokal na Pamahalaan ukol dito.

Ang Safety Seal program ay inter-agency effort ng DILG, Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT), at Department of Labor and Employment (DOLE) na naggagawad sa mga establishments ng Safet Seal na nagpapakita na ang isang gusali o establishment ay sumusunod sa health protocols kontra COVID-19. Upang makatanggap ng Safety Seal ang pribado man o pampublikong establisymento kinakailangan itong makapasa sa eligibility requirements susog sa ipinapatupad na Minimum Public Health Standards ng IATF at national government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *