Paggawad ng Seal of Good Local Governance sa isang LGU hindi lang tungkol sa karangalan at incentives

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi lang tungkol sa karangalan at insentibo ang pagagawad ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa isang Local Government Unit (LGU).

Ito ang sinabi ni LGOO VI Johanna Nuyda, National Validator, Regional Focal Person ng SGLG at concurrent City Local Government Operations Officer ng Legazpi sa pagbisita nito sa bayan ng Basud, Camarines Norte kahapon.

Aniya ang SGLG ay hindi lang tungkol sa “prestige” at incentive funds na maaaring makuha ng LGU kundi nangangahulugan ito ng “efficient” services na required sa isang LGU.

Kung tutuusin ayon kay Nuyda ay minimum requirements lang ang SGLG at hindi ito naghahanap ng  mga innovation sa delivery ng basic services.

Nilinaw din nito na hindi ibig sabihin na nasa shorlist ang isang LGU ay sigurado nang makakatanggap ng SGLG award.

Aniya wala sa validators ang pinal na desisyon kundi rekumendasyon lang sa kanila.

Hindi lang rin ang DILG ang magdedesisyon kundi ang iba’t- ibang government agency na bubuo ng Technical Working Group kaya wala itong kontrol sa indicators.

Bukod kay Nuyda kasama rin nitong national validator sa SGLG si LGOO II Anna Dominique Gapayo na siya namang Provincial Focal Person ng Camarines Sur.

Dumalo sa validation kahapon si Mayor Adrian Davoco, Vice Mayor Ramir Barrameda at mga Head of Office ng LGU.

Nagkaroon ng documentary at on site review at pagkatapos ay exit conference.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *