Pagguho ng bato at lupa , naitala sa Sagֹñay Camarines Sur dahil sa lindol

NAGA CITY- Gumuho ang lupa na may kasamang mga bato sa  Sitio Garang Sagñay, Camarines Sur, hindi na muna pinapadaan ang mga papunta sa Tiwi, Albay dahil nasakop ang kalsada at delikado pa sa ibang bahagi.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Jam Tria ng Municipal Risk Reduction and Management Office, sinabi nitong hindi pa nakakarekober ang lupa matapos ang halos isang buwan na walang zero rain incidence at nakakaranas pa rin sila ng pag-uulan. Kaya naman nang magkaroon ng 5.1 magnitude na lindol sa Camarines  Norte na naramdaman din sa Camarines Sur ang intensity naapektuhan ang lupa at gumuho.

Red area ang lugar sa landslides sa hazard map ng Mines and Geosciences Bureau, kaya lagi ring nakabantay ang LGU para sa kaligtasan ng mga residente malapit sa lugar at mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *