Paggunita ng Labor Day, sinabayan ng kilos protesta sa Naga City

NAGA CITY- Walang pandemyang nakapigil sa pagnanais na maisigaw ang mga hinaing at posibleng solusyon sa mga problema ng ordinarsyong mangaggawa.

Sinabayan ng kilos protesta ang pag-gunita ng Labor Day nitong Mayo 1, 2021 sa Naga at Camarines Sur. Sigaw ng multi-sectoral  groups at mga mamamayan ang ayudang sapat para sa lahat, P100 daily wage subsidy para sa mga manggagawa,  P10K ayuda sa nawalan ng trabaho , P15k production subsidy sa magsasaka  at tuwirang tulong ng pamahalaan sa  mga Micro, small and medium enterprises o mga MSMEs.

Samantala sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol Spokesperson Joana Gasga , sinabi nitong prayoridad ng ahensya na matuloy na ngayong taon ang dagdag sahod na ipatutupad sana noong 2020. Hindi kase aniya nakompleto ang proseso dahil sa Enhance Community Quarantine.

Ayon kay Gasga, napigilan kase ng pandemya ang taas-pasahod; marami ang nagsarang negosyo, marami rin ang nawalan ng trabaho, napilay ang ekonomiya.

Paliwanag pa nito, binabalanse kase ng DOLE ang sitwasyon hindi lamang ng mga manggawa kundi mga kompanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *