Paggunita ng Pasko, naging pangkalahatang mapayapa ayon sa PNP

Mananatiling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ito ang tiniyak ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo matapos ideklarang ‘generally peaceful’ ang paggunita ng Pasko sa buong Pilipinas.

Sa panayam, sinabi ni Fajardo na wala silang naiulat na kahit na ano pa mang mga untoward incidents na nakagulo sa kapayapaan nitong weekend.

Maliban sa mga malilliit na insidente gaya ng mga theft, masasabi raw nilang generally quiet ang pag-celebrate ng Pasko, pati na rin ang mga idinaos na Misa de Gallo.

Wala rin anila silang na-record na mga indiscriminate firing mula sa kanilang hanay.

Sa kabila niyan, mananatili pa rin umanong mataas ang alerto ng PNP para masiguro rin ang mapayapang pagsalubong sa 2023.

Ime-maintain aniya ng PNP ang inilatag nitong security framework nang sa gayon ay masigurong walang makalulusot na mga masasamang loob, at mga kawatan.

Tuluy-tuloy din umano ang isinasagawa nilang mga random inspection sa mga pagawaan ng paputok.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *