Paggunita ng Undas, naging pangkalahatang mapayapa ayon sa PNP

Ibinida ng Philippine National Police na ‘generally peaceful’ ang naging assessment nila sa unang araw ng Undas 2022.

Ayon kay PNP public information officer Col. Red Maranan – walang naitalang kahit ano mang untoward incidents sa iba’t ibang sementeryo sa bansa.

Wala rin umanong mga major incidents sa mga ares of convergence magmula pa noong loong weekend.

Maliban na lamang ito sa mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na gamit sa mga sementeryo kagaya na lamang ng mga matatalim na bagay, mga alak, mga gamit pangsugal, at iba pa.

Sa ngayon, nananatili pa ring mahigpit ang seguridad sa mga sementeryo para sa mga bibisita ngayong November 2, mismong araw ng All Souls’ Day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *