Paggunita sa Semana Santa, ‘generally peaceful’- PNP

Naging maayos at payapa ang paggunita ng Semana Santa sa buong Pilipinas.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, wala rin naitalang pagtaas ng eight focus crimes katulad ng theft, rape, robbery, physical injury, murder, homicide, carnapping ng motorsiklo at ibang sasakyan.

Kaugnay nito sinabi naman National Capital Region Police Office (NCRPO) na mananatili silang naka-heightened alert hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo, bilang paghahanda sa mga holidays matapos ang Holy Week.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Edgar Okubo, na habang naka-heightened alert, tanging 5% lang ng kanilang pwersa ang papayagan na mag-leave.

Sa gitna nito, sinabi ni Okubo na wala pa naman silang natatanggap na mga banta, at magpapatuloy ang pagdeploy sa kanilang mga personnel, lalo na sa harap ng inaasahang pagbalik ng mga pasahero sa Metro Manila mula sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *