Paghahain ng exemptions sa gunban, magsisimula na sa June 5 – Comelec

Magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon ang Commission on Elections para sa gun ban exemption kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, mula sa June 5 hanggang November 15, tatanggap ang Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns ng aplikasyon para sa certificate of authority.

Iiral ang gunban simula August 28 hanggang November 29, 2023.

Ang mga lalabag dito ay mahaharap sa election offense na may penalty na pagkabilanggo ng isa hanggang 6 na taon at matatatanggalan ng karapatang bumoto at habang buhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng public office.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *