Sa ika-labing anim na araw na nawawala ang CESSNA 206 ngunit hindi pa rin ito nahahanap ng Incident Management Team.
Ayon sa pinakahuling update ng IMT, nagsagawa ang mga ito ng water serach katuwang ang MDRRMO Divilacan at Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Maconacon, Isabela.
Ito ay upang hanapin ang white object na namataan sa larawang kuha ng satellite ng Philippine Space Agency ngunit negatibo pa rin ng naging resulta.
Dahil dito, puspusan pa din ang isinasagawang seach and rescue operation ng IMT kung saan mayroon pang karagdagang 45 na PNP-SAF members ang tutulong sa paghahanap.
Nagpapatuloy ang Aerial search, ground o mountain search at water search ng mga ito at tiniyak rin ang sapat na suplay ng pagkain ng mga searchers-rescuers matapos magbigay ng augmentation ang DSWD Region 2.