Paghahanda para sa mga aktibidad ng Pista ng Itim na Nazareno sa Enero, isinasapinal na

Nagsagawa na ng walkthrough at inspeksyon ang pamunuan ng Quiapo Church at Manila Police District para sa darating na selebrasyon ng Poong Itim na Nazareno sa ika-9 ng Enero.

Matatandaaan kasing imbis na Traslacion, magkakaroon na lamang ng “Walk of Faith” ang mga deboto ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Plaza Miranda Commander PCAPT. Rowell Robles, “Walk of Faith” ay mangagagaling sa Luneta patungong Quiapo.

Samantala, isinasaayos na rin ng Manila Police District (MPD) ang kanilang security plans para sa selebrasyon.

Paliwanag ni MPD PBGEN. Andre Dizon, lahat ng city limits ay magkakaroon ng checkpoints, dahil ipinagbabawal ang pagdadala ng mga life-sized images, maging ang matutulis na bagay at electronic divices.

Inaanyayahan naman ng pamunuan ng Quiapo Church na magdala ang mga dadalo sa naturang selebrasyon ng maliliit na imahe, kandila, at rosaryo.

Anila, ang Walk of Faith ay maayos at marangal na isasagawa bilang pagdiriwang ng Itim na Nazareno. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *