Pagiging ampon ng yumaong si Rudy Fernadez, hindi totoo ayon sa asawang si Lorna Tolentino

Binigyang-linaw ng premyadong aktres na si Lorna Tolentino tungkol sa kumakalat na tsismis na ampon ang yumaong asawa na si Rudy Fernandez.

May kumakalat kasing tsismis na adopted daw si Daboy base na rin sa panayam ng isang babeng taga-Cotabato na nagsabing bunsong kapatid daw nila ang matagal nang patay na action star.

Isang Teodola Galacio na 85-taong gulang na ngayon ang nagsabing kapatid nila si Rudy at ipinaampon ito ng kanilang mga magulang dahil sa hirap ng buhay.

Sinabi ng veteran actress na walang katotohanan ang sinabi ni Teodola. May mga dokumento raw si LT na magpapatunay na hindi inampon si Daboy.

Namaalam si Rudy noong June 7, 2008, sa edad na 56. Ang mga magulang ni Daboy ay ang film director na si Gregorio Fernandez at si Pilar Padilla na parehong tubong-Lubao, Pampanga.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *