Pagiging ‘kulto’ ng Socorro Bayanihan Services, pinag-uusapan pa ng mga otoridad

Binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros na ang Socorro Bayanihan Services, Inc, ay dati namang isang legit na people’s organization.

Ang naturang samahan ang siyang iniuugnay sa umano’y misteryosong kulto na nangyayari sa Surigao del Norte, na nang-aabuso ng mga bata.

Ayon naman kay Surigao del Norte Gov. Robert Lyndon Barbers, marami talagang people’s organizations sa Socorro lalo na para sa mga magsasaka.

Pero aniya, wala silang otoridad na sabihin at kumpirmahin na isa ngang kulto ang samahan.

Nais din umano nilang malaman mula sa provincial government at mga ahensya ng gobyerno kung paano ba matutukoy na ang isang grupo ay isang kulto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *