Pagiging malusog ng bata, mahalaga sa kanilang pag-aaral – Dep Ed Palawan

Ipinapaalala ng Dep Ed Palawan na mahalaga ang pagiging malusog ng mga bata sa kanilang pag-aaral sa eskwelahan.

Ayon kay Dep Ed Palawan Information Officer Ms. Maylyn Dilig, magkakaroon ng pagkatuto ang mag-aaral kung tinataglay nito ang malusog na katawan at isipan.
Kaugnay nito ay mayroong learning recovery plan ang Dep Ed para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pag-aaral tulad sa pagbasa at pagsulat.

Aminado ang Kagawaran na lubhang naka-apekto ang pandemyang dulot ng COVID-19 sa pagkatuto ng mga bata kung saan tanging mga magulang ang nagsilbi nilang titser sa mga tahanan.

Sa kabila nito, abala ang Dep Ed Palawan sa pagsasanay sa mga titser para sa reading program sa mga batang mas kailangan ng atensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *