Pagkakabilang sa umano’y worst dish sa mundo ng “Kinalas”, wake-up call ayon sa isang opisyal

NAGA CITY – Isang wake-up call para sa lahat ng mamamayan, lalong-lalo na sa mga negosyante sa lungsod ng Naga matapos na mapasama ang ipinagmamalaking “Kinalas” sa umano’y Top 50 Worst Dishes in the World.

Ayon kay Councilor Joe Perez, Chairman ng Committee on Culture and the Arts nais nitong malaman kung ano ang naging parameters o basehan ng Taste Atlas sa pagsama ng pagkaing kinalas sa Worst Dishes in the World kung saan ika-17 ito sa listahan.

Nais na mangyari ngayon ni Perez na matutukan ng Lokal na Pamahalaan ang kalinisan pagdating sa kahandaan ng mga pagkaing ito lalo pa’t kilala na ang “Kinalas” sa buong mundo.

Ang mga taga Naga naman o taga Camarines Sur tinawanan at kinuwesyon ang ulat ng naturang experiential travel guide.

Ang naturang noodle dish ay isa sa ipinagmamali ng Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *