Pagkaantala ng Road Project sa Wescom Road, sinisi sa madalas na pag-ulan

Nagpaliwanag sa Brigada ang Project Engineer sa inirereklamong maputik na road project sa bahagi ng Wescom Road sa Barangay Miguel, Puerto Princesa.

Ayon kay Engr. Sali Marqueza ng Katha Builders and Supplies, ang madalas na pag-ulan ang sanhi ng delay sa project na dahilan ng hindi tuloy tuloy na pagbuhos ng semento.

Kompleto rin daw ang kanilang equipment at tauhan na nagtatrabaho.

Sa ngayon ay 198 meters pa lang ng road project ang kanilang nasemento maliban sa drainage project sa wescom road.

Dahil aniya sa hindi tuloy-tuloy na trabaho ay naiurong sa February 2023 ang target completion date ng proyekto mula sa orihinal na petsa, January 29, 2023.

Sa kabila nito, sinabi ni Engr. Marqueza na hindi na muna nila bubutasin ang ibang bahagi kung hindi ito agad na mabubuhusan ng semento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *