PLEGAZPI CITY – Aprubado na ng Department Of Information And Communications Technology (DICT) Bicol ang pagkakabit ng libreng Wi-Fi connectivity sa Kalayaan Park, Brgy. Gogon, Legazpi City.
Ayon kay Punong Barangay Richilda Atun, layunin nitong makatulong sa mga magulang na mabawasan ang kanilang gastos sa data/load ng kanilang mga estudyante para sa pag-aaral.
Aniya, kapag in-ON nilang ang Wi-Fi sa Kalayaan, otomatiko silang maiko-connect dito.
Samantala, sinabi niya na ayon sa DICT, apat na oras ang ibibigay sa kada user para sa libreng connectivity upang marami rin ang makagamit.