Pagkain ng PDL sa Iwahig Prison and Penal Farm, parang pagkain na raw ng baboy?

Nagpasaklolo sa Brigada ang isang kaibigan ng Person Deprived of Liberty (PDL) sa Iwahig Prison and Penal Farm dahil sa hindi umano masikmura na pagkain sa kolonya.

Ayon sa nagreklamo, inuuod na raw kasi ang pansit habang ang sabaw sa ulam ay masyadong marami kaya hindi ito makain ng mga PDL.

Maliban pa rito, isinumbong din sa kanya na ang kanin at miswa na inihain nakaraan ay mapapanis na.

Dahil dito, dinadalhan niya na lamang ng maayos na pagkain ang kaibigan para hindi ito magutuman.

Ang reklamo ay nakarating agad kay IPPF Superintendent Gary Garcia, iimbestigahan niya ang alegasyon at kakausapin ang caterer sa pagkain.

Ayon sa opisyal, P70 lamang ang pondo sa bawat PDL sa Iwahig subalit nais pa rin niyang makausap ang inspection committee kung papaano inihahanda ang pagkain sa mga bilanggo.

Samantala, titiyakin umano ng IPPF management na mabuti ang kalagayan ng mga PDL sa IPPF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *